Friday, November 1, 2024

World Slasher Cup 1 grand finale, aarangkada na

World Slasher Cup 1 grand finale, aarangkada na

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

 

 

Sasagupa na ngayong hapon, Pebrero 4, ang mga bigating sabungero para sa 4-cock grand finals ng unang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

 

Nasa 88 sultada mula sa 43 entries ang nakatakdang magbakbakan para sa mga kalahok na nakakuha ng 5, 4.5, and 4 puntos mula elimination at semi-final rounds simula ngayong hapon hanggang mamayang hating gabi o madaling araw.

 

Sasagupa sa grand finals sina Osang Dela Cruz, Joe Paneda/Ron Aguado, and Arnel D. Pangilinan, Fiscal Villanueva, Jimmy Junsay/Dennies Reyes/Bobby Inigo, and Felix Gatchalian/Pay Gatchalian na may malinis na 5-0 record matapos maipanalo ang lahat ng laban sa 2-cock elimination at 3-cock semi-finals.

 

Tatangkain naman ni Tata Rey Briones na masungkit ang kanyang ikalimang kampeonato sa WSC, na nakapagtala ng ng apat na panalo at isang tabla sa pagpasok ng huling round ng torneo.

 

Pasok din sa grand finals sina Paul and Duce Romias/Tata Rey, Doc Don/Jaycee Gee/Fiscalizer, Danny Lim/Neil Figueroa, Don Destura, Niño Yee/Jeofrey Gonzales, Engr. Amy T. Lauron, George Alapag, Bobby Fernandez/James Uy, Rico Manalansan, Christian/Howie/Claude Bautista, Tom Hernandez, Joseph Panganiban, Jun Limpiado, Lando Flores/Roger Castro/Baguio City, VG Lacson/JB Bernos/Mario Siochi Jr/ John Lee, Tinasol Gamilla/Adolf James Gamilla, Chris Pons/Eddie King/Jun/Moy, Frank Berin/Jeremy Berin/Justin Berin, and Kenneth Boy/Lenman/Daday, Fiscal Villanueva/Bogs, Ricky Magtuto/Aylywn Sy/Jeffrey Sy, Anthony Garcia/ Mac Ignancio, Marlon Viadd, Nestor Mercado/ Lito Orillaza, Jory Melendrez, Frank De Guzman SR/ Francis De Guzman Jr, Franny/Joy Brillantes/Jonel Daquez from Abra, Reymond Escarlan, Ernie Lagundi/Alex Lagundi, Engr. Pal Bolivar, Joseph Panganiban, Vernie/Vlad Legaspi/D. Portillo/D. Reyes/R. Merado, Engr. Darlito De Guzman, Nene Araneta, Bryan Maninang/Edwin Maninang, at JLA/Frank Berin; matapos makapagtala ng tig-apat na panalo at isang talo sa pagtatapos ng semi-final round.

 

Samantala, labing-isang mandirigma naman ang nakapagtala ng kahanga-hangang panalo sa pagtatapos ng pre-finals kagabi, Sabado.

 

Parehong nakasungkit naman ng tig-pitong panalo, isang talo at isang tabla ang entry nila Felix Punzalan at Engr. Franny/Joy Brillantes, habang may tig-pitong panalo, isang talo at isang tabla naman sina Nicco Olaivar/Cesar Villanueva, Jon Alegre, at Darrel Mack.

 

Mayroon naman tig-anim na panalo, dalawang talo at isang tabla sina Mamba/Michael Mashburn, Albert Dichavez, at Engr. Emer Sumigad, habang may tig-anim naman na panalo at tatlong talo sina Rolly Bautista at Reymond Escarlan.

 

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.